Binuksan na sa publiko ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang bagong Nayong Pilipino sa Clark Expo (NPCE) na itinayo sa Colonial Plaza sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Ang lumang 8.6 hektaryang Nayong Pilipino na pasyalan ng pamilya sa Pasay City ay isinara noong Hulyo 2002 sa bisa ng Executive Order No. 11 na ipinalabas ni Gng Arroyo upang gamitin sa pagpapaluwag sa katabi nitong Ninoy Aquino International Airport.
Nakapaloob sa EO No. 11 ang paglikha ng Nayong Pilipino Foundation na inatasang maghanap ng alternatibong pagtatayuan ng cultural theme park.
At nitong Disyembre 22, pinasinayaan ni Arroyo ang bagong tahanan ng Nayong Pilipino sa Clark Expo kung saan makikita ang mga replica ng ibat-ibang tanawin sa Pilipinas katulad ng Barasoain Church, Heroes' Plaza at Ifugao village.
Halina pasyal tayo!
http://groups.yahoo.com/group/biyahero/
http://biyahero.blogs.friendster.com/
A
MARDIO NADERA Photography
www.mardionadera.com
Join Shutterfly for free!
MARDIO has shared these pictures with you. Save these pictures by creating an account. Get 50 free prints when you join.